Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Paaralan na magkakaroon ng kaso ng COVID-19, hindi kailangang isara

/
/
/
995 Views
Photo courtesy: Malaya Business insight

Kasunod ng nalalapit na face-to-face classes, inihayag ng Department of Health na di kailangang isara ang mga paaralan kung sakaling magkaroon ito ng kaso ng COVID-19.

Nilinaw ni Department of Health Undersecretary Dr. Maria Rosario S. Vergeire na iisa lang ang ipinatutupad na protocol ng ahensiya sa mga tanggapan, opisina o maging sa mga paaralan pagdatinjg sa COVID- 19.

Una rito ay ang pagsasagawa ng contract tracing at isolaiton ng mga close contacts kung may isa o dalawang tinamaan ng sakit sa paaralan.

Sa isinagawang press briefieng, binigyan diin ni DOH Usec Vergeire na hindi kailangan ipasara ang buong paaralan kung may tinamaan ng COVID- 19.

“So kailangan bang isara ang classroom? Kung magkaroon man tayo ng kaso ng COVID- 19 ay kailangan lang mabigyan ng advice ang ating mga guro at non-teaching personnel as well as mga parents ng mga students kung paano makakaiwas sa impeksyon, ayon kay Usec. Vergeire.

Aniya, kung may positibo sa isang silid aralan ay maari ito lamang ang pansalamantalang isara. “So magkaroon po tayo ng isa o dalawang kaso sa isang classroom, isasara po ang classroom na yun, yun pong mga batang kasama nila sa loob, especially yung unvaccinated will just need to quarantine at their homes, imo-monitore po sila araw-araw para makita natin kung nagpa-further ang transmission dito sa cluster na ito, but it’s the same protocols as we do with the other setting na meron tayo”.

Kaugnay nito, patuloy naman ang pag aanyaya nang Department of Health sa mga kabataan na magpabakuna para maproteksyonan sila sa COVID- 19 kasabay ng pagbubukas ng klase sa August 22.

-SMNI News

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :