Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Tanggalin ang K-12, hiling ng ilang Pilipino kay VP-elect Duterte

/
/
/
2416 Views

Tanggalin ang K-12 Program. Iyan ang isang hiling ng ilan nating kababayan sa termino ni Vice President-elect at incoming Education Secretary Sara Duterte.

“Tanggalin nalang ang K-12 dahil hahaba ang pagpasok ng mga estudyante, madadagdagan pa ng dalawang taon.”

“Huwag n’ya sanang gamitin ang posisyon nya upang tanggalin kung ano man ang nasa libro, kung ano man ang nasa history.”

Ito’y iilan sa mga nasambit ng mga kababayan natin matapos ang ginawang inagurasyon kahapon ni Vice President- elect Sara Duterte. Magsisimula ang kanyang panunungkulan bilang bise presidente ngayong darating na June 30, 2022.

Samantala, nagpabot naman ng pagbati ang mga opisyal ng Department of Education sa isinagawang inagurasyon ni incoming DepEd Secretary at VP Elect Sara Duterte.

Nagagalak rin ang kagawaran na makatrabaho ang ating VP Presidente sa pagpasok niya bilang DepEd Secretary. Inihahanda narin ni outgoing DepEd Secretary Leonor Briones ang isang maayos na transisyon kasama ang Basic Education Plan 2030 (BEDP 2030).

-GMANews

Like us on Facebook:https://www.facebook.com/mgakaguro.page

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :