Paglilinaw ukol sa pagbibigay ng OVERTIME pay para sa mga Guro

Paglilinaw ukol sa pagbibigay ng OVERTIME pay para sa mga Guro
Nagkakalinaw na ngayon ang hinihiling na ‘Overtime Pay’ para sa mga guro ngayong School Year 2020-2021 ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro.
“Mayroon na pong linaw base doon sa dialogue, mayroon nang dina-draft na resolution or memo ang Department of Education para linawin ang pagbibigay.”
Aniya, matapos ang pag-uusap nila sa Civil Service Commission at Department of Education ay nangako ang mga ito na maglalabas sila ng memorandum para sa pagbibigay ng ‘Overtime Pay’ .
“Mahalaga rito para sa ating mga guro ay kinilala ng DepEd at Civil Service na dapat bigyan ng service credit at overtime pay ang mga teacher na nagsilbi more than doon sa days of work ngayong school year,” dagdag ni Castro .
“So, nagke-claim po ang mga guro natin ng karampatang overtime pay at additional compensation o service credit kaugnay niyan,” diin ni Castro.
Ipinaliwanag ng mambabatas na matatapos ang school year sa July 10 ngunit nag-umpisa ito noon pang June 10, 2020.
_______
Dagdag na kaalaman ukol sa Overtime Pay