“Transition Plan” para sa “Face-to-Face Classes” ginagawa

Gumagawa na ngayon ng “Proposed Transition Plan” ang mga Division Offices. Ito ay bilang paghahanda kung papayagan ang limited face-to-face classes sa mga “low-risk areas” ngayong buwan ng Enero.
Ayon sa ginawang local survey, 70 porsiento ng mga magulang at mga guro ay pumapayag na magkaroon ng “limited f ace-to-face classes”. 30 porsiento naman ang umayaw at hihintayin muna ang vaccine.
Napaloob sa transition plan ang “Lesson Delivery Strategies”,”Transportation Provision”,”Modes of Monitoring and Assessments and “Safety Protocols”.
Ngunit ang desisyon ay nasa ating Pangulo parin. Papayagan lamang ng Department of Education(DepEd) ang pagsasagawa ng face-to-face (F2F) classes kapag ito ay pinayagan at ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ipinahayag ito ni DepEd Sec. Leonor Briones sa kasabay ng paglilinaw na mananatili ang polisiya ng gobyerno na walang magaganap na face-to-face classes.
Binigyang-diin din ni Kalihim Briones na ang pagpapatupad nito ay magagawa lamang ayon na rin sa magiging rekomendasyon ng Department of Health at ng national COVID-19 task force.