“Laptops ang kailangan ng Guro, ngayon”-Gatchalian
Binigyang linaw ni Senator Gatchalian sa isang TV/Online interview na mayroong P4 billion na pondo ang DepEd upang bigyang tugon ang mga pangangailangan sa pagpapatuloy ng edukasyon para sa taon na ito.
Narito ang kasagutan ni Senator Sherwin Gatchalian ukol sa katanungang “mayroon na bang malinaw na paglalaanan ang DepEd sa nasabing pondo?”, “My suggestion to them is to spend the entire P4 billion for laptops and gadgets or our teachers.
Importante na ang ating mga guro ay may sapat na kagamitan, hindi na magagamit gayon ‘yung chalk at blackboard, ang kailangan nila ngayon ay laptops,” wika ni Gatchalian.
Binigyan diin rin niya ang pagbibigay ng internet connection sa mga guro upang mas maayos nilang masagawa ang kanilang mga trabaho na kadalasan ay nangangailangan ng internet.
Dapat gamitin ang pondo sa pagbili ng laptops at bigyan ng internet connection ang mga guro natin dahil mauubos ang kanilang sariling pera sa data plan at sa pagtawag sa kanilang mga estudyante.
visit our website for more updates: www.guroako.com