Purok Workshop para sa mga bata na hirap sa Distance Learning
Iminumungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian na magkaroon ng purok workshop o community workshop para sa mga bata na hirap ngayon sa distance learning.
Aniya bakit hindi na rin payagan ang community worksop upang ang mga guro ay nagkakaroon ng face to face interaction sa mga mag-aaral dahil mahalaga aniya ang kanilang pagpapaliwanag sa mga estudyante pero sa paraang masusunod pa rin ang health protocol gaya ng social distancing, pagsusuot ng face mask at limitado lamang sa 10 bata.
Ang guro aniya ang pupunta sa komunidad at isang beses sa isang linggo lamang niya makakaharap ang mga batang mag-aaral .
Samantala, napuna naman ni senador ang mali-maling naimprentanmg module na aniya ay “unacceptable” .
Nasabi ng Senador na dapat nagkaroon ng pag-iingat sa pag-imprenta ng modules dahil napapag-aralan aniya ngayon ng mga bata ang mali. Hindi daw dapat nangyari ang mga maling modules dahil dumaan naman aniya sa limang buwan na quality assurance ng school division ngunit nagkaroon pa rin ng mga maling modules.
Nasabi ni Senator Gatchalian sa isang virtual na panayam na dapat nang payagan ang community workshop upang sa gayun ay nagkakaroon ng interaction ang guro sa mga bata. Aniya, sa pamamagitan nito ay maipapaliwanag ng guro sa mga bata ang mga maling naimprentang modules.
Source:REMATE
Like us on Facebook https://www.facebook.com/mgakaguro.page