Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Pasadong grado kapalit ng 500 pesos kada buwan

/
/
/
707 Views

Makatatanggap ang mga estudyante sa lungsod ng P500 kada buwan kahit puro 75 ang grade basta walang bagsak, ito ang inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Maaaring mag-apply ang mga mag-aaral sa CHIP-IN scholarship ng lungsod para makatanggap ng naturang insentibo, ayon kay Mayor Vico.

Ang maganda nito, makakatanggap ang mag-aaral basta walang bagsak.

“Para sa mga ‘di umaabot sa grade requirements, puwedeng mag-apply sa CHIP-IN. 500/month din ito, kahit puro 75 basta walang bagsak.”

Dagdag pa ni Sotto, ito ay para sa mga estudyante na masisipag subalit hindi masyadong makapagpokus sa pag-aaral dahil may trabaho at tumutulong sa kanilang tahanan.

“May mga iba masisipag pero nag-aalaga ng magulang/kamag-anak,  may trabaho, o ‘di ganoon kagaling sa academics. Deserving din sila,” sabi pa ng alkalde.

Nasa kabuuang 18,000 benepisyaryo ang Pasig City Scholarship Program.

Source: The Post.Net

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :