Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Special non-working holidays, tinanggihan ni Villar

/
/
/
830 Views

“Alam mo ‘pag lahat dineclare natin na non-working holiday, katakot-takot ang non-working holiday natin sa Philippines and that will destroy also the business, the economic condition of the Philippines.”

Ito ang mga naging pahayag ni Sen. Senador Cynthia Villar kaugnay sa pagpapatupad ng special non-working holiday sa ating bansa.

Sa kanyang pagsasalita sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on local government na pinamumunuan ni Senador Francis Tolentino, sinabi ni Villar na mas gusto niya ang working holiday sa halip na non-working holiday dahil gobyerno naman ang magdidiwan at puwedeng pumasok ang mga kawani at ipagdiwang ng local government. 

Matinding tinanggihan ni Senador Cynthia Villar ang pagdedeklara ng special non-working holiday sa bansa dahil raw sinisira nito ang economic activity ng bansa.

“There’s nothing wrong with working holiday kasi yung mga government employees naman, even if they are working, they can celebrate, they don’t have to go to their offices. They can celebrate with the local government. Yun lang ang opinion ko dyan, Kasi di ba sa atin sa Senado, parang binabawasan na rin natin yung non-working holiday kasi ang dami-dami na nila.”

Paglilinaw na walang problema si Sen. Cynthia Villar sa pagkakaroon ng working holiday. kung padadamihan pa ang  bilang ng non-working holiday, magkakaroon ito ng negatibong epekto sa negosyo kabilang ang mga employer na kailangan magdagdag ng 30 porsiyento sa sahod kapag pumasok ang kanilang empleyado.

“But yung padamihing masyado yung non-working holiday, that’s detrimental. Baka puro na tayo non-working holiday all-year-round.”

Source:Remate

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :