Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Mga nasabat na gadget ido-donate ng Customs sa DepEd

/
/
/
434 Views
photo: Bureau of Customs/ ABSCBN

Nasabat ng Bureau of Customs ang mga electronic devices sa NAIA kamakailan at ito’y ido-donate sa Department of Education para sa Distance Learning.

Ayon sa Customs, tulong nila ito sa DepEd sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nagsagawa na ng imbentaryo ang mga tauhan ng Customs ng mga electronic device at learning material na inabandona sa Ninoy Aquino International Airport.

Inihahanda narin ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nasabat na electronic devices at learning materials, na ido-donate sa Department of Education para magamit sa pag-aaral ng mga estudyante ngayong may pandemya.

Para matiyak na pasado sa minimum standards ang mga donasyon at ligtas gamitin, kumuha ng kaukulang clearance ang BOC sa National Telecommuncions Commission at Optical Media Board.

Umaasa ang BOC na makatutulong ang donasyon sa distance learning, na ipinatutupad sa mga paaralan habang ipinagbabawal ang face-to-face classes sa gitna ng pandemya.

Source: ABS-CBN

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :