Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

13 TV channel na gagamitin ng DepEd sa pagbabalik-eskwela sagot na ni Pacquiao

/
/
/
1821 Views

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pinagmulan ni Senador Manny Pacquiao. Napakahalaga sa kanya ang pag-aaral. Ito ang palagi n’yang pinapaalala n’ya sa kanyang mga anak, ang magsikap at makapagtapos ng pag-aaral.

Malalim talaga ang hugot ng senador pagdating sa pag-aaral kaya ganu’n na lang din ang malasakit niya sa mga mahihirap na kabataan na walang sapat na halaga para makapag-aral.

Siguradong matutuwa ang lahat ng estudyante pati na rin ang kanilang mga magulang sa good news na dala ni Pacman.

sasagutin na ng senador ang gastos para sa 13 TV channel para gamitin ng Department of Education ngayong darating na pasukan.

Ayon sa boxing champ, hindi raw niya matiis na mapag-iwanan sa aralin ang mga estudyanteng mahihirap at nasa malalayong lugar na hindi kayang bumili ng mga laptop at gadgets para sa online learning.

“Galing ako sa hirap kaya alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral at mga magulang nila,” sabi ni Pacquiao.

“Alam ko rin na hindi pa 100% coverage yang internet natin sa Pilipinas, kaya kahit me pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa rin nakakasiguro na aabot sa ‘yo ang mga aralin buhat sa DepEd,” dagdag pa niya.

“Sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan namin ng paraan para me magamit na 13 TV channels ang DepEd nang walang gastos buhat sa gobyerno at mga estudyante.

“Kaya wala nang dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan,” ani Sen. Pacquiao.

“Kung saan ako muntik nang magkulang, maaga kong pupunuan. Dahil napakahalaga ng pag-aaral para sa kinabukasan ng ating mga kabataan,” aniya pa.

Source:Bandera

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :