Estudyante nagka-COVID-19 sa face-to-face class, 45 kaklase nasa peligro

Matapos magsagawa ng face-to-face class,n agpostibo ang isang estudyante sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang pribadong eskwelahan sa Cauayan City, Isabela.
Nagkaroon umano ng contact ang estudyante sa isang empleyado ng city hall na nagpositibo rin sa virus.
Lumabas ang resulta ng swab test ng estudyante nitong Sabado, Setyembre 5, at nakumpirma ito ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) kung saan nagpositibo ito sa nasabing virus.
Dumalo sa face-to-face class ang iba pang 45 na mga estudyante base sa ulat.
Ayon naman sa City Health Office ng Cauayan na nagsasagawa na umano sila ng mahigpit na contact tracing sa nakasalamuha ng estudyanteng nagpositibo sa COVID-19.
33 kataong nakasalamuha ng estudyante ang naisailalim na sa swab test at hinihintay na ang resulta nito ayon sa CPIO, at ipinasara narin ng Cauayan city government ang pribadong eskuwelahan na hindi pinangalanan.
“It’s a private school which is now temporarily closed din po,” ayon sa isang staff ng Cauayan city government.
Pinapayagan ang face-to-face classes sa syudad dahil nakasailalim naman umano ang probinsya ng Isabela sa modified general community quarantine (MGCQ) alinsunod umano sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the coronavirus disease, ayon ito sa pahayag na ipinadala ng Cauayan City government sa pamamagitan ni Atty. Reina Santos.
Source: Remate