Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

‘Salary Increase’ para sa mga Guro siniguro ng DepEd

/
/
/
12985 Views

Dagdag sahod para sa mga guro nilinaw ng DepEd

Siniguro ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na kasama sa budget ng kagawaran ang para sa dagdag sahod ng mga guro o ang 2nd tranche para sa ‘Salary Satandardization Law’, ito ang mga nabanggit niya sa katatapos lang na DepEd press briefing.

Dagdag niya na tumaas ang Budget Allocation ng Kagawaran at kasama na nga rito ang budget para sa salary increase para sa mga guro na nakapaloob sa Personal Services with RLIP.

Ayon kay Usec. Sevilla, “hahatiin po natin ang ating total na budget na PHP 605.7 billion. PHP 407 billion po rito ay para sa ating mg salaries, benefits allowance, lahat pertaining to employees’ welfare ay nandito po sa Personal Services with RLIP at makikita po natin na ito ay tumaas ng 13.54%.”

Paliwanag ni Usec, “kasi by next year mayroon na po uling Salary Increase. Ito po ay ang 2nd Tranche Standardization Law at makikita po natin ang detalye nito sa ilalabas ng Department of Budget and Management (DBM) kung magkano ang magiging increase at yan po ay nasaibatas na, so mayroon po tayong kasiguruhan sa ating mga Guro.”

Source:Usec. Annalyn Sevilla

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :