Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Online Learning hindi muna gagamitin sa August 24

/
/
/
8642 Views

Paglilinaw ngayon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na wala munang online class sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24, 2020, dahil batid nila na hindi pa lahat ay handa na para sa online learning.

Iginiit niya na wala dapat ipag-alala ang mga magulang dahil sa pagsisimula ng klase sa Agosto 24, ang modular learning ang unang ipatutupad.

Sa ngayon, minamadali na nila ang produksyon ng Self Learning Modules (SLMs) na ipamamahagi sa mga mag-aaral sa unang araw ng School Year 2020-2021.

Pero hindi pa sinabi kung papaano ito gagawin dahil hanggang ngayon, kanila pa itong pinaplano at pina-aaralan.

Subalit sinabi nito, hindi dapat pumunta ang mga bata at guro sa paaralan sa unang araw ng pasukan dahil mahigpit na ipinagbabawal ang face-to-face learning sa buong bansa upang maging ligtas sa banta ng COVID-19.

Gayumpaman, ipatutupad lang aniya ang online education sa mga paaralan at mga estudyante na handa na para rito.

Source:RMN News

Panoorin ang VIDEO:

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :