Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Paalala: Work from home set-up sa mga guro, patuloy na pinaiiral

/
/
/
4004 Views

Ipinunto ng Department of Education, na bagamat pinupursige ngayon ang pagtataguyod ng basic learning continuity, nananatiling prayoridad pa rin ng ahensya ang kaligtasan ng mga personnel nito.

Sa inilabas nitong memorandum, mananatili ang work from home scheme sa mga guro at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd), kahit sa mga lugar na nasa low risk areas.

Ayon sa DepEd, inirerekomenda pa rin nito ang work from home arrangement sa mga personnel, na ang tungkulin ay kayang gawin sa pamamagitan ng remote modalities.

Naglatag din ang DepEd ng alternative work arrangement options, na maaaring i-adopt ng mga eskwelahan at ng mga community learning center.

Ninilaw naman ng kagawaran, na hindi papayagan ang ano mang physical reporting sa mga eskwelahan na kasalukuyan pang ginagamit bilang isolation facilities ng local government unit (LGU).

Samantala, sa mga pagkakataong mangangailangan talaga ng physical reporting, nakasaad sa memo na kailangang matiyak na magiging compliant ito sa Safe Return to Work protocols.

Source:RadyoPilipinas

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :