Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

24,600 senior HS students sa Palawan, bibigyan ng tablet

/
/
/
998 Views

Sa pamamagitan ng implementasyon ng Learning Continuity Plan (LCP) ng Department of Education (DepEd), mapagkakalooban ng magagamit na tablet ang nasa 24, 600 na mga estudyante ng Senior High School sa buong lalawigan ng Palawan.

Prayoridad na maging benepisyaryo ng mga kagamitan ang mga estudyante sa senior high school upang makasabay sa panibagong sistema ng pag-aaral ngayong panahon ng pandemya, ayon kay Grace Estefano, Information officer ng DepEd-Palawan.

Dagdag niya, gagamiting pambili ng mga gadget ang P123.2 milyon na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan, batay sa napagkasunduan ng Palawan Provincial Local School Board (PPSB) sa pangunguna nina Gobernador Jose Ch. Alvarez, na siyang chairman, at Schools Division Superintendent Natividad Bayubay bilang co-chair.

Ang paglalaan ng nabanggit na pondo ay resulta ng pagpupulong kamakailan ng PPSB na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga pampublikong paaralan sa lalawigan para sa napipintong pagbubukas ng klase ngayong taon.

Paano nila ito makukuha?

May pipirmahan naman aniyang ‘affidavit of undertaking’ ang mga magulang at estudyante sa oras na matanggap ng mga ito ang tablet.

Sa kabuoan ay mayroong 252, 565 na mga mag-aaral at estudyante ang naitatala ng Schools Division Office, kung saan nangangailangan ito ng kabuoang halagang mahigit sa P1.2-bilyong pondo para lamang sa tablet na gagamitin sa pag-aaral.

Source: PIA

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :