Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

‘Face-to-face Learning’, opsyonal

/
/
/
1446 Views

Blended at distance learning ang ipapatupad na ‘modality of learning’ ang ipapatupad na systema sa pagtuturo sa pagbubukas ng klase ngayong School Year 2020-2021 dahil sa COVID-19 pandemic, ito ang binigyang linaw ngayon ng Department of Education (DepEd).

Ito ay kasunod sa panukala ng DepEd na magkakaroon ng limited face-to-face learning sa mga ‘low risk’ areas sa bansa na umani ng samu’t saring reaksyon at puna mula sa mga guro at magulang.

Nilinaw ni DepEd Undersecretary Revsee Escobedo na ang panukalang limited face-to-face learning ay opsyonal lamang para sa mga paaralan na may gustong magpatupad nito.

Ayon kay Usec. Escobedo, hindi ang Department of Education ang magpapasya kung sino-sino o anong mga lugar ang papayagan ng face-to-face classes na posibleng simulan sa Enero 2021.

Bukod dito, dapat din aniyang makasunod ang mga paaralan sa umiiral Health Protocols.

Una nang iginiit ng DepEd na hindi sila ang nagsusulong ng face-to-face classes kundi panukala aniya ito ng mga Local Government Unit (LGU), private schools, mga stakesholders at mga mambabatas para sa mga low risk areas.

Source: RMN

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :