Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Pagbubukas ng klase sa August 24, tuloy na tuloy na!

/
/
/
2726 Views

Nabanggit ni Secretary Leonor M. Briones na tuloy na ang klase ngayong August 24, 2020 sa kabila ng mga panawagan ng mga mambabatas na isuspende at iurong ang pasukan sa Setyembre o next year.

“Nag meeting kaming mga minister of Education sa Southeast Asia, yung ibang bansa June pa nag umpisa na sila, karamihan July, so kung magbubukas tayo ng klase sa august, tayo ang pinakahuli.

“Sa isang bansa, June sila nag bukas ng klase, nagrereview na sila sa examination this November, tayo nagdedebate pa.”

Dagdag pa ni Sec Briones na hindi niya alam kung saan galing ang balitang ipopostpone ang pasukan sa August 24.

“Di namin ma gets kung saan nanggagaling ang estorya na ipopostpone ang klase dahil ang Presidente din sa huli naming pagkikita, isusuport niya ang August 24, ang IATF August 24.”

Dagdag ni Sec. Leonor Briones na maraming ikokonsidera, lalong lalo na ang magagastos na pondo para sa sweldo ng mga guro.

“Isipin natin sa isang taon, ang gastos natin sa sweldo ng ating mga guro ay aabot ng 395 billion pesos sa isang taon.”

“Kung halimbawa, mag postponed ka, maski anim na buwan lang, bilyon-bilyon ang gagastusin natin sa sweldo, benepisyo, insurance, kung ano-ano pa sa mga teachers natin na di naman natin pinapaturo.”

Yan ang mga kasagutan ni Sec Briones kanina sa isang panayam ng DZBB ukol sa pagtutuloy ng pasukan kahit maraming mambabatas na gustong i-reschedule ito.

Source: DZBB

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :