Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Extended enrolment kinumpirma ni DepEd Sec. Leonor Briones

/
/
/
1586 Views

Nabanggit ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones sa kanyang interview sa DZBB tungkol sa pinag-aaralang extension sa enrollment ng mga public schools hanggang July 15 at iba’t ibang learning modalities para sa school year 2020-2021.

“Para sa amin sa public sector, kino-consider naming magkaroon ng extension probably
up to July 15 sa mga bata na gustong mag-enroll sa public school,” ani Secretary Briones

Dagdag ni Secretary Briones na ipagpapatuloy ang dropbox enrolment sa iba’t ibang lugar, upang mabigyan ng pakakataon ang mga magulang na hindi pa nakapag enrol ng kanilang mga anak.

“Dati kasi ang ginawa namin, online ang enrolment, ngayon ina-allow na namin ang tinatawag na dropbox enrolment sa iba’t-ibang lugar para doon na nila idrop ang enrollment.”

Samantala, tuloy na ang klase ngayong August 24, 2020 sa kabila ng mga panawagan ng mga mambabatas na isuspende at iurong ang pasukan sa setyembre o next year.

“Nag meeting kaming mga minister of Education sa Southeast Asia, yung ibang bansa June pa nag umpisa na sila, karamihan July, so kung magbubukas tayo ng klase sa august, tayo ang pinakahuli.

Source:DZBB

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :