Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Guro Confession: AWOL daw ako paghindi sumipot sa June 1

/
/
/
2260 Views

Magandang buhay sa atin kaguro. Itago n’yo po ako sa pangalang Alicia. 47 na taong gulang taga Mindanao. Gusto ko pong ibahagi sa inyo ang aking storya.

Naghiwalay kami ng asawa ko 9 years na ang nakalipas. Wala na akong balita sa kanya, dahil umalis na din sya sa lugar namin. Kaya sobrang hirap dahil may mga anak kami. 11 years na ako sa DepEd bilang Elementary Teacher.

Hindi kami magkasundo. Medyo may pagkukulang din ako, dahil hindi ko nabalanse ang trabaho at pamilya. Kaya, naghanap siya ng iba. Ayoko ko na din kasi nakakapagod na. Kaya ngayon mag isa kung tinataguyod ang tatlo kung anak. Mabuti nalang may 15 years old na ako na dalaga kaya may maaasahan na sa bahay.

Nagsimula ang COVID

Sobra ang takot ko noong nagsimula ang COVID-19, parang napraning na halos ayaw kung lumabas ng bahay. Pero kailangan kung lumabas para bumili ng kakainin. Dahil ‘minor’ ang aking anak na dalaga, ako ang bumibili ng pagkain.

Noong napabalita na may isang infected sa aming lugar, takot na takot ako. Ayokong lumabas. Mabuti nalang may mabilhang tindahan sa kapitbahay at inuutos ko sa anak ko. Iniisip ko na kung lumabas ako baka mahawa ako at madala ko sa mga anak ko. 10 years old pa ang bunso ko.

Health Issues

Takot ako dahil ‘weak’ ang katawan ko kaguro. Madali akong magkasakit. Sobra sobra na ang vitamins ko. May nararamdaman akong sakit sa suso ko, kaya siguro madali akong manghina. Pina check-up ko na ito sa Doktor, ang sabi, ‘Hormonal Imbalance’ lang. Sana yun lang. Pinagdadasal ko na sana mahaba pa ang buhay ko.

Trabaho sa gitna ng COVID

Updated ako sa mga balita tungkol sa pagbabalik eskwela kaguro. Isa ako sa nagtatanong kung matutuloy ba talaga ang pasukan sa August 24, kung papasok na ba talaga tayo sa June 1 at kung paano tayo maghahanda.

Ang sabi sa balita, kapag walang infected ang lugar, pwede ng pumasok physically ang Teachers. Gumaling na kasi ang isang infected sa amin pero tinetrace pa ang mga nakasalamuha niya.

May mga tanong ako, paano kung makasabayan ko sa jeep at tricycle ang isa sa mga nakasalamuha ng dating may COVID? Paano kung may infected pero dahil walang testing kit, hindi naireport?

Nagkaroon kami nag virtual meeting with the Grade chairman, ang sabi daw ng Principal namin, kailangan naming mag-report sa June 1 sa school, dahil AWOL daw kung hindi kami papasok ‘physically’.

Ako lang ba ang may ganitong suliranin? Natatakot po ako kasi kailangan kung sumakay ng tatlong ‘rides’ bago makarating sa school.

Mahal ko ang trabaho ko. Gusto ko ang ideang tayo ay Frontliner din. Nais ko pong makatulong din. Ngunit hindi po kayanin ng katawan ko. Mahina po ang immune System ko. Paano po ba sa June 1?

-end

Kaguro, kung may kwento ka na gusto mong ibahagi, ipadala mo sa amin sa https://www.facebook.com/mgakaguro.page/

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :