Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Apela upang mabigyan ng Cash Aid ang Private School Teachers

/
/
/
1578 Views

“Sana mabigyan din ng tulong ang mga guro sa Private Schools”- ito ang kahilingan ng Depart­ment of Education (DepEd) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Umapela na si Secretary Leonor M. Briones para mabilang ang mga private schools sa mga industriyang naapek­tuhan ng krisis sa coronavirus at mabigyan ng cash aid ang mga guro sa ilalim ng social amelioration program (SAP), sabi ni DepEd Spokesperson Usec. Annalyn Sevilla.

Ayon sa Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na umaabot sa 500,000 private school emplo­yees ang kumikita ng mas mababa sa regular nilang suweldo. Sa ilalim ng “no work, no pay” scheme, hindi narin sila tumatanggap ng sweldo.

Nasuspinde ang klase sa mga paaralan mula noong Marso matapos isailalim sa lockdown ang iba’t ibang bahagi ng bansa upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. 

Para matugunan ang kahilingan ng ating mga guro sa private schools, idudulog ni Secretary Leonor Briones sa Kongreso ang problemang ito upang mabigyan ng ayuda sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Source:PhilStar

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :