Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Guro kinasuhan dahil sa Facebook Post

/
/
/
730 Views

Inilagay sa hospital arrest ang isang guro na nagpost ng hinaing sa social media hinggil sa mabagal na takbo ng pamimigay ng relief goods sa General Santos City.

Naka-hospital arrest ngayon sa General Santos City ang isang ang public school teacher dahil sa tinawag ng awtoridad na inciting to sedition post niya sa social media.

“Dumating sa office namin si Atty. Arman Clarin and to our assessment pasok siya sa anti-cybercrime mandate namin dahil sa provoking post niya na hinihimok niya ang mga tao na pumunta sa GenSan gym at kunin ‘yong mga relief goods doon,” pahayag ni Police Major Dofiles ng Regional Anti-Cybercrime Unit o RACU12.

Inaresto Biyernes ng gabi ang guro matapos lumapit sa kanila ang City Legal Officer ng General Santos City. Inamin umano ng guro na siya ang may-ari ng social media account na nagsasabing sabay-sabay na sugurin ng mga taga-GenSan ang Lagao Gym dahil nandoon nakaimbak ang relief goods. Kahit walang arrest warrant, inaresto ng mga pulis ang guro na dismayado sa lokal na pamahalaan dahil hindi pa nakakapamahagi ng relief goods sa mga residenteng apektado ang kabuhayan dahil sa ipinatutupad na extreme prevention on non-essential travel sa GenSan.

“We have evidences na minura niya si Mayor [Ronnel] Rivera and the city is planning to file cyber libel against her,” pahayag ni Dofiles.

Facebook post ni Maam

Pero bukod sa guro, inaresto rin ang kaniyang anak matapos itong pumalag sa pag-aresto sa kaniyang ina. “It was a continuing crime. Naka-post pa rin ‘yong sinabi niya na pwedeng magresulta sa unrest at looting,” dagdag na pahayag ni Dofiles Sasampahan ng kasong inciting to sedition ang guro at nakatakda itong ihain sa Lunes. Pero posibleng kasuhan din siya ng cyber libel.

Sasampahan din ang anak ng kasong obstruction of justice, disobedience to person in authority at direct assault. Tumangging magbigay ng pahayag ang anak ng guro. Ayon naman kay Mayor Ronnel Rivera, minamadali na ang pagre-repack ng relief goods para maipamahagi na ito sa mga apektadong residente.

SOURCE: ABS-CBN

Ano sa palagay niyo kaguro? Tama lang ba ang ginawa sa kanya? Paalala po sa ating mga kaguro na maging responsable tayo sa paggamit ng Social Media upang hindi na humantong sa ganito.

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :