Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

GSIS, SSS maglulunsad ng calamity loan package

/
/
/
1374 Views


Sa susunod ng linggo ay maglulunsad ng calamity loan package ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) bunsod ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong bansa.

“Puwedeng mag-apply online para sa calamity loan, kung saan maaaring umutang ng hanggang P20,000 depende sa buwanang kontribusyon”, ayon kay SSS Spokesperson Fernan Nicolas.

May dropbox ang SSS kung saan puwedeng iwan ng mga aplikante ang loan application pero puwede ring mag-apply online. Maglulunsad din ng calamity o emergency loan na tig-P20,000 ang GSIS. Inabisuhan ni Nicolas ang mga miyembro na maghintay ng mga susunod na anunsiyo kaugnay sa calamity loan.

Kasalukuyang inaayos ang sistema upang puwedeng ma-avail ng mga miyembro sa buong bansa, ayon kay GSIS Executive Vice President Nora Malubay. Ayon kay Malubay, maaga ring makukuha ng mga pensiyonado ang kanilang benepisyo. Maaaring bago mag-Abril 8 umano makuha ang pensiyon. Bukas ang mga kiosk ng GSIS para magproseso ng mga utang.

Ngunit dapat tandaan, kailangang dumaan sa masusing paghuhugas ng kamay at sanitary requirements bago makagamit ng kiosks. Itinigil naman ng pamunuan ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) ang drop box system nila at sa halip ay online na lang daw ang lahat ng online application. Ito ay para maiwasan umano na magkahawahan ng sakit.

Para sa karagdagang katanungan hingil dito, maari lamang na bisitahin ang SSS at GSIS websites.

Source: ABS-CBN News

Latest Updates here:

Landbank Advisory on Frauds

Eligibility of Teachers to Receive PBB 2018

Please like us here:

https://www.facebook.com/mgakaguro.page/
https://www.youtube.com/channel/UCnEaFR3Svlla1KSTJ98Cbdg?view_as=subscriber

Thank you!

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :