Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Paano kung galit sayo ang Superior mo?

/
/
/
2827 Views
Photo Courtesy: Google

Hello kaguro, I am Marisol of Mindanao. Flex ko lang ang storya ng buhay ko na wala akong masabihan.(kaya ipinadala ko nalang)

Nag simula ang storya ko nung pumasok ako sa DepEd. Nag apply ako sa isang school malapit sa aming bahay. Napag alaman ko na doon pala sa school nayun naka assign ang Principal na kapitbahay namin. Di ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan ako, kasi never po ngumiti sa amin ang principal na yun pag napang abot kami.

Araw ng Interview

Lima kaming applicant ang pumasok sa Principals office kasi doon ang interview. Naroon din ang limang Principal from different schools under the District. Pagkatapos kang iinterviewhin ng isang Principal lipat kana naman sa isa. Yun ang pamamaraan nila noong panahon ko. N’ong sa kanya na ako,syempre greetings ako, kulang nalang mag bless ako kasi nga lumaki na ako na nakikita siya sa aming lugar.

Habang papalapit ako sa kanya, smile ako ng todo, pero wala akong reply na natanggap, bagkos,simangot at snob ang binigay nya sa akin. Sa loob ko, okay lang, pero nandoon ang katanungan na bakit ganun sya sa akin. Tinatagan ko ang loob ko habang kaharap siya. Noong nag tanong na sya, medyo mahirap ang tanong niya kompara sa iba niyang mga kasama.

Sobrang tagal ako sa kanya. Yung feeling ko hahanapan niya ako ng mali. Tapos may pagkakataon na tumawa siya at malakas ang boses  kasi mali daw ang bigkas ko ng letter sound na bahagi ng tanong niya. Sa isip ko, ano ang kasalanan ko sa taong ito bakit gusto niya akong ipahiya sa mga tao?

During my Final Demonstration

Noong sumunod na araw, demonstration na. Dala- dala ko ang visual aid ko na sobrang laki. Dinala ko ang katulong namin sa bahay kasi may dala akong merienda sa mag observe sa akin at sa mga bata. May dala akong ice box at kahon for merienda kasi yun ang nakasanayan ko during my practice teaching, ewan parang hindi na pinapractice ngayon.

Pumasok na ako sa school, tinuro ako sa room na parang AVR, so, kumatok ako. Bukas ang room kaya napasilip ako kung anong meron sa loob. Dala dala ko pa ang visual aid ko kaya siko ko ang gamit pang push ng door para makasilip kahit konti. Nandoon si Madam Prinsipal, nagpang-abot ang mga mata namin sabay sabing: “Ay alis,alis,alis!”, sabay kumpas ng kamay parang nagtataboy ng nanlilimos.

Naawa ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit siya ganon sa akin. Ganyan ba talaga ang approach niya sa mga applikante? Ganyan ba siya sa mga kapitbahay niyang mahirap at nangangarap magkaroon ng marangal na trabaho? Yun nalang ang inisip ko noong panahong yun.

Paglabas niya, tumayo ako sa inuupuan kung plantbox sabay sabing “Good Morning po Maam” kasi di natuloy kanina baka maipit pa ang ulo ko kasi pinaalis na ako. Snob siya sa akin at smile naman siya sa ibang aplikante.

Sad Reality

Noong natapos na lahat, waiting nalang ako sa result, tinanong ko ang Nanay ko. Kinuwento ko ang nangyari sa akin sabay tanong kung may kasalanan sila sa Principal. Wala naman daw. Ganon din daw ang trato sa kanila ni papa. Konklusiyon ng Nanay, dahil baka mahirap lang kami kaya ganyan sila ng pamilya nila sa amin. Magsumikap nalang daw ako upang umasenso ang buhay namin.

Ang Resulta ng Ranking

After 2 weeks lumabas na ang result. Expect ko hindi ako ang mangunguna sa ranking ng Distrito namin kasi syempre may galit sa akin si Madam at napag alaman ko rin na kasabayan ko palang aplikante ang pamangkin niya. Kaya pala siguro ayaw niya na nakisabay ako.

Number 2 ako sa ranking at Number 1 ang pamangkin niya. Yehey, sobrang saya ko noon,okay lang kahit pangatlo o pangsampo basta pasok ako sa RQA.  Umabot ng 80 ang rating ko, siguradong pasok na sa RQA ibig sabihin kung bibigyan ng Item sigurado may trabaho na ako.

Nasa DepEd na

Almost 1 year na ako noong time na yun, In-Service training namin. May Supervisor daw na bibisita kaya maghanda kami. Habang busy kami sa discussion, pumasok ang Supervisor, at siya yung paborito kung Principal noon. Supervisor na pala siya, ang galing niya naman! During her discussion, tinawag niya ako, tinanong tungkol sa topic niya. Buti na lang nakinig ako, dahil ewan ko, feeling ko talaga tatawagin at ipapahiya niya ako.

Yun talaga ang nangyari, tinawag nya ako, English ang tanong. Akala niya siguro ‘di ako makakasagot. Sinagot ko siya ayon sa natutunan ko at pinalakpakan ako ng mga kasamahan ko. (syempre di alam ng mga kasama ko ang napagdaanan ko sa Madam na ito)

Ang bilis ng kanyang promotion, after a year, Supervisor na siya sa Division namin. Alam n’yo kaguro, always ko siyang ipinag-pray. Dasal ko sa Panginoon na sana,i-touch ni God ang puso niya para maging mabait na siya sa akin. Sabi ko kay God na wala akong ginawang masama sa kanya, sana mag smile back na siya sa akin.

One time, nakasalubong ko s’ya sa Division Office namin kung saan siya nag oofice. Syempre, sabi ko “Good Morning Maam” sabay smile at yoko kasi ganon ako pag nag gi-greet, at snob ang sagot niya, sabay alis.

Ano ang gagawin ko kaguro? Supervisor siya, Teacher 1 lang ako, ano ang laban ko?

Hanggang sa muli!

Comment down kaguro, anong masasabi ninyo sa kwento ni Maam Marisol? Kung may kwento kayo, ipadala n’yo sa amin sa https://www.facebook.com/mgakaguro.page/ and https://www.facebook.com/Guro-Confessions-101122541396623/ usap tayo.

Please SUBSCRIBE to our YouTube Channel below! https://www.youtube.com/channel/UCnEaFR3Svlla1KSTJ98Cbdg?view_as=subscriber

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :