Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Guro Confession #1

/
/
/
1279 Views
Photo Source: Google

Dahil sa naipost natin tungkol sa depression, inuulan kami ng mensahe at mga e-liham galing sa ating mga kaguro. Ngayon, dahil walang pasok, bigyan natin ng panahon upang maipost ang kanilang mga liham.

Isa-isahin natin at kayo ang magbibigay ng pamagat sa kanilang mga kwento.

Unahin natin ang confession ng ating kaguro na itatago natin sa pangalang Shane. At dito nagsimula ang kanyang kwento:

Hello kaguro, itago nyo po ang pangalan ko. 35 years old na po ako ngayon. Teacher sa Junior High School dito sa katimogang bahagi ng Pilipinas. Nagsimula ang kwento ko noong maghiwalay kami ng mahal ko. Sobrang depressed po ako ngayon. Kaya ako sumulat sa inyo dahil feeling ko walang makakaintindi sa akin. Hindi ko rin pwedeng ikwento sa mga kaibigan ko dahil feeling ko, hindi nila ako maiintindihan.

With my husband

Taong 2012, naghiwalay kami ng asawa ko dahil nalaman ko na naging sila ulit ng ex nya. Buti nalang hindi kami nagka anak. Masakit syempre, pero mabilis akong naka move on. Iniisip ko nalang nung time na yon na ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi ako mahal. 7 years din kaming nag sama ng asawa ko. Nagkita kami after a year matapos naming maghiwalay, okay na kami, friends na din kami. Mabilis din syang naka move on. Hindi lang talaga kami meant to be.

With my new partner

After 2 years na wala akong partner, may nakarelasyon ako, si Marvin. Co-teacher ko at crush ng mga studyante ko ang bago kong minahal. Hindi ko siya napansin nuon dahil may girlfriend s’ya at may asawa ako. Naghiwalay sila ng girlfriend niya na hindi ko na masyadong tinanong ang dahilan, sinabi niya lang na hindi na sila happy. Naging kami matapos ang dalawang buwang pagpapa cute niya sa akin. Nanligaw naman siya.(sinagot ko na agad baka makawala pa.)

Minahal ko siya ng sobra

Nakaramdam ako ng sobrang pagmamahal na hindi ko naramdaman sa asawa ko. Sorry kaguro pero sobrang mahal na mahal ko sya. Yung feeling na bumalik ako sa pagka teenager dahil kinikilig ako. Naramdaman ko rin na mahal niya rin ako. Wala kaming pakialam sa sasabihin ng mga tao. Sweet kami sa school at kahit sa publiko. Alam naman ng mga kasamahan ko sa school ang estado ko sa buhay. Syempre, hindi payag ang mga magulang ko sa pakikipagrelasyon ko kasi nga, kahit hiwalay daw ako, hindi kami legal. Hindi ko na iniisip ang sasabihin nila, ang alam ko mahal na mahal ko siya.

Buhay ko with him

Naging kontento ako sa kanya. Ang saya-saya namin. Pasyal dito, pasyal don. We made memories. Nasabi ko sa sarili ko, natagpuan ko na ang true love ko. We have future plans together. Kumuha na kami ng lupa para pagtayuan ng bahay para magsama na kami sa isang bubong.  Gusto ko siyang makasama pagtanda. Nag loan ako para ibili siya ng mga bagay na gusto niya. Ayaw niya pero gustong-gusto ko siyang maging masaya sa akin. Siya na ang forever ko. Dream ko always nong panahong yun na wala ng kataposan ang nararamdaman namin.

Lumamig na ang pagsasama namin

After 4 years ng pagsasama namin, medyo may mga away kami. Masyado raw akong selosa. Wala na raw siyang freedom. Sinasakal ko na raw siya. Nanlamig siya sa akin. Humingi ako ng 2nd chance para baguhin ang sarili ko. Nag promise ako sa kanya na hindi ko sya hihigpitan para maging okay kami. Okay na ulit kami after ng ilang nights na hindi nagpapansinan. Alam niyo po kaguro, iba pala talaga pag sobrang mahal mo ang tao. Parang praning na iniisip mo, baka may tinitxt na siya,o baka may iba na siya, o baka papalitan niya na ako.

Sinubukan kong hindi siya pagbawalan para hindi kami mag away, pero diko maiwasan sa sobrang pag iisip ko. Nagalit na naman siya sa akin kasi bakit daw ako nag tatanong o nag dududa kung saan siya pumupunta. Karapatan ko naman malaman diba? Kasi kami nga diba? Dahil don, gusto na niyang makipaghiwalay. Ayoko..Sabi ko sa kanya hindi ko kaya. Wala na kaming pinag-usapan pa dahil ayaw niya na.

Yung moment na gusto ko ng tumalon sa tulay

Iniwan niya ako sa ere. September 22 ng taong ito nakipag hiwalay siya. I am so lost. Hindi ko kinaya. Sobra akong na depressed. Umiiyak na lang ako bigla ng hindi ko namamalayan. May mga panahon na tulala ako sa klase. Biglang tatanungin ako ng mga studyante ko na “ Maam, nag-away kayo ni Sir?”Tumutulo nalang bigla ang luha ko kasi nasa isip ko siya palagi.  Sobrang sakit pala kapag nagmahal ka ng sobra. Sa kanya na umiikot ang buhay ko. Naisip ko ng magpakamatay, pero naisip ko OA din. Pero mahal na mahal ko siya. Almost 5 years din kaming nagsama. Magtatatlong buwan na pero umaasa akong may makakasama ako sa pasko.

Ang masakit, nakikita ko siya araw araw at parang naka move on na siya. Ang bilis niya namang nakalimot. Hindi niya ako pinapansin na parang I don’t exist anymore. Nag se-self-pity na ako. Hindi ba ako maganda? Ano bang wala sa’kin? Ano bang nagawa kung mali? Bakit nakaya niyang iwan ako? May mahal na ba siyang iba? May ka chat na ba siyang iba? Ganon ba kadali akong makalimutan?

December na, nangangarap akong mag text siya at imbitahin akong kumain sa labas, at maging kami ulit. Sobrang sakit kaguro. Ititxt ko ba siya? Baka i-ignore niya lang ako, mapapahiya lang ako. Naaawa na ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

________

Kaguro, kung may payo ka sa ating kagurong si Maam Shane, comment po tayo. Nag chachat po kami sa kanya, baka makatulong din sa kanyang nararamdaman ngayon.

Ikaw, kung may kwento ka, ipadala mo sa amin sa dito: https://www.facebook.com/Guro-Confessions-101122541396623/. Pwede din po sa ating page na Guro Ako https://www.facebook.com/mgakaguro.page/ Itatago namin kung sino kayo.

Please like Guro Confession kaguro!https://www.facebook.com/Guro-Confessions-101122541396623/

Thank you!

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :