Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Bakit may Lindol?

/
/
/
1699 Views

BAKIT MAY LINDOL?

Ang lindol ay dahil sa malakas at biglaang paggalaw ng crustal plates (tectonic plate) “higit kaysa sa normal na galaw nito” . (Ibig sabihin, gumagalaw talaga ang lupa all the time, pero hindi lang natin nararamdaman dahil sa sobrang hina nito).

Pag sinabing “tectonics”, ito ay nagaganap sa LOOB ng “crust”- layer of the Earth. Pweding sa kalupaan o sa karagatan.

Bakit ba gumagalaw ang crustal plates at lumilindol?

Sa inyong aralin sa Geography/ Geology malalaman ninyo na ang mundo ay may 3 layers – core, mantle, crust.

Ang core ang pinaka gitnang bahagi ng mundo na kung san concentrated ang sobrang init na hindi kayang sukatin ng temperature scale ng tao. At sa sobrang init, tinutunaw nito ang lahat ng mga solid materials like rocks, minerals and other metals na dahilan upang maging liquid ito at tinatawag na Molten materials.

Ang molten materials na ito ay tumatagus sa mga malalambot na bahagi at mga butas ng second layer na ang tawag ay Mantle. Kaya ang matle ay bahagyang solid at bahagyang liquid. Ang bahagi ng mantle na may molten materials at bahagi ng core kung saan sila nagsasalubong ay tinatawag na “outer core.”

Tandaan natin na ang molten materials na mula sa kaloob looban ng mundo ay nagdadala ng sobrang init na temperatura (heat) at maghahanap ito ng kanyang lalabasan upang maka singaw.

Kapag tuloy tuloy ang paglalakbay ng molten materials sa Mantle layer, aabut ito sa ikatlong layer na ang tawag ay “crust”.

Ang crust ay ang pinaka huli at pinaka manipis na bahagi ng mundo kung saan ito ay binubuo ng patung patung na matitigas, kungreto at mga sinaunang bahagi ng lupa na tinatawag na “plates or crustal layers” .
Dito din nakapatong ang mga bahagi ng kalupaan(continental plates) at karagatan(oceanic plates).

Kapag ang molten materials ay nakarating sa crust, dahan dahan nitong tutunawin ang plates.

Ang pagtunaw ng molten materials sa bahagi ng crust ay nagiging dahilan upang makapagipon ito ng init at lakas (heat & pressure) mula sa core upang wasakin o tibagin ang matitigas at kungretong bahagi ng crust. Dahil sa sobrang init sa loob ng crust, bumibigay ang ilang bahagi nito. Maaaring ito ay natitibag, o nawawasak, upang magbigay daan sa paglabas ng init mula sa loob ng daigdig.


Ang pagtunaw ng molten materials sa plates ng crust ay tuloy tuloy ngunit dahan dahan, ito ang dahilan kung bakit gumagalaw ang crust.
dahil dito nayayanig ang lupa na tinatawag na lindol o “Earthquake.”

Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng geographical landscape ang mundo. Ang mga resultang ito ay tinatawag na plate boundaries kung saan maaaring mahahati at maghihiwalay ang mga lupa, lulubog ang iba at ang iba namn ay papaitaas na kadalasan ay nagiging burol, o kabundukan ang ibang bahagi naman ng lupa ay magbabanggan dahilan ipang magkaroon ng mga bitak ang lupa na tinatawag na “fault lines” O di kayay magkaroon ng hindi pantay at hiwalay na bahagi ang lupa na animoy kanal o basin na tinatawag na “trench”.

Ang tuloy tuloy na pag galaw ng crust dahil sa heat and pressure ang magiging dahilan upang magkikiskisan ang mga bahagi ng crust lalo na ang magkaibang boundaries kung saan ang isa ay papalubog (divergent)at ang isa naman ay convergent. Ang pagkikiskisan ng magkakaibang boundaries ay magpapainit sa bahagi ng crust at magkakaroon ng panibagong pagtunaw ng materials na ang tawag ay “magma”.

Alam natin na ang galaw ng init ay palaging “paitaas”, kaya ang magma ay maglalakbay paitaas sa ibabaw ng lupa sa crustal plates at maaari ding makagawa ng pagsabug at pagbulwak ng magma nito sa ibabaw ng kalupaan na tinatawag namang “volcanic eruption”. Ang pag agos ng magma sa labas ng kalupaan o katubigan ay tinatawag na “lava flow”. Ang mga bagay na ito naman at tinatawag na volcanic activity na maaari ding maging dahilan ng paglindol ng lupa.

Sa madaling salita,ng pagkakaroon ng lindol o pagyanig ng kalupaan ay dahil sa “heat and pressure” ang lakas ng pagsingaw ng init mula sa loob ng daigdig ang magbibigay ng pwersa sa crustal plates upang ito ay gumalaw.
Ang pwersang ito ay nagaganap sa loob ng lupa (tectonic). Ang sukat ng galaw na ito mula sa loob ng crust ay tinatawag na (magnitude). Ang sukat ng galaw naman na nararamdaman sa ibabaw ng mundo ay tinatawag na (intensity).

Ito ay nangyayari na mula pa noong panahong wala pang nabubuhay sa mundo. Ito rin ang dahilan kung bakit tayo ay may mga hiwa hiwalay na lupa at nagtataasang mga kabundukan.

Note: Ang bahaging ito ay pweding dagdagan o icorrect ng mga mas experts pa sa akin. Ito ay batay lamang sa aking mga pinag aralan at pagkakaunawa sa mga facts tungkol sa bagay na pinaguusapan

Article: Maam RUDILLA NUNEZ BANDALA

Photo: Google

Please like our page for more updates: https://www.facebook.com/mgakaguro.page/

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :