Tanggalin ang K-12, hiling ng ilang Pilipino kay VP-elect Duterte

Tanggalin ang K-12 Program. Iyan ang isang hiling ng ilan nating kababayan sa termino ni Vice President-elect at incoming Education Secretary Sara Duterte.
“Tanggalin nalang ang K-12 dahil hahaba ang pagpasok ng mga estudyante, madadagdagan pa ng dalawang taon.”
“Huwag n’ya sanang gamitin ang posisyon nya upang tanggalin kung ano man ang nasa libro, kung ano man ang nasa history.”
Ito’y iilan sa mga nasambit ng mga kababayan natin matapos ang ginawang inagurasyon kahapon ni Vice President- elect Sara Duterte. Magsisimula ang kanyang panunungkulan bilang bise presidente ngayong darating na June 30, 2022.