Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Alert Level 3: Face-to-face classes suspendido sa Basic Ed

/
/
/
986 Views

Dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR), suspendido ang face-to-face classes simula Lunes matapos ilagay ang rehiyon sa Alert Level 3 , ayon sa Department of Education (DepEd).

Sinabi ng DepEd sa isang pahayag, na tigil muna ang face-to-face classes sa mga paaralan sa NCR hangga’t hindi ito inilalagay sa Alert Level 2.

Disyembre nang muling magbukas sa mga estudyante ang 28 pampublikong paaralan sa rehiyon bilang bahagi ng pilot phase ng DepEd para sa unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes.

‘Tuloy pa rin naman ang face-to-face classes sa mga paaralan sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2’, ayon ng DepEd

Bago nito, naibalita ang balak nitong ipatupad ngayong buwan ang expansion phase ng face-to-face classes, kung saan mas maraming paaralan ang lalahok.

Sinabi naman ng Commission on Higher Education (CHED) na pinapayagan ang 30-percent capacity na face-to-face classes sa mga lugar na nasa Alert Level 3, sa mga kolehiyo at unibersidad.

Kalahating kapasidad naman ang pinapayagan sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 2.

Epektibo ang Alert Level 3 sa NCR simula ngayong Lunes hanggang Enero 15.

Source: ABSCBN

Follow us on Facebook: https://www.facebook.com/mgakaguro.page

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest
This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :