Drive-thru graduation inorganisa

Tuloy ang graduation ceremony ng mga mag-aaral ng Panabo Central Elementary School SPED Center batch 2020-2021.
Pinagplanuhan at inorganisa ng mabuti ng mga guro at Parents and Teachers Association officials ang hindi pangkaraniwang graduation na may pahintulot din sa City Mayor’s Office at Inter-Agency Task Force.
Ginanap ang graduation noong Hulyo 7 hanggang 9 sa paaralan at nagkaroon ng streaming sa social media platforms ng Department of Education sa Panabo City, Davao del Norte noong Hulyo 16.
Pero ‘di tulad ng nakasanayang pagtatapos ang new normal graduation dahil nakasakay sa tricycle ang mga mag-aaral at kanilang magulang.
Naglagay ng makukulay na flaglets sa activity area bilang distance marker ng mga tricycle. May mga marshall din na nagsisiguro na nasusunod ang health protocols.
Dinesenyohan ng graduation backdrop ang stage at sumailalim sa fogging at disinfection ang mga tricycle.
Pagbaba sa tricycle ng estudyante at magulang ay mag-hand sanitizer muna sila bago aakyat ng stage. Mayroon ding barrier sa pagtanggap nila ng diploma.
“Like any quick service restaurants, drive-thru is an option for those who would like to experience its food and service without putting much of their time. With this drive-thru graduation, we are able to give tie-bounded but realistic experience to our graduates and parents amidst pandemic,” ayon kay principal Carolyn Arado.
Source: ABSCBN/Panabo CES SPED Center