Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Magpokus sa kalidad, ‘di sa rami ng modules- Sen. Poe

/
/
/
478 Views
photo courtesy: Remate

Bigyan ng mas mahusay na atensyon ang kalidad ng education materials na ibinibigay sa mag-aaral at muling suriin ang sensitivity training at protocols ng ahensiya upang matiyak ang pinakamataaas na kagalingan ng estudyante, ito ang kahilingan ni Senador Grace Poe sa Department of Education (DepEd).

Kaugnay ito sa mga napabalitang kamalian ng mga modules. Sa pagsusuri sa ilang modules mula sa Occidental Mindoro na kumalat sa online na mayroong pagkakamali sa grammar na ipinahihiya ang isang celebrity (Angel Locsin).

“The task of educating children cannot be compromised. How we nurture them will determine how well the country will evolve in the future. Beyond grammar, the values we instill in them are crucial,” ayon kay Poe.

Dahil sa mga kamaliang ito, ipinakikita ang kawalan ng quality control na kailangan sa sistema kaya naipalimbag ang materyales at maipamahagi sa estudyante.

“Parang napakahirap isipin na mayroong makakalusot na ganitong klaseng halimbawa. May binanggit na personalidad na sinasabing ‘obese.’ May malisya man o wala, hindi tama para sa pangkaraniwang tao. Paano nakalusot ang ganon?” himutok ni Poe sa ginanap na deliberasyon ng badyet ng DepEd.

Iminungkahi ni Poe na dapat bigyan ng sensitivity training ang mga guro at hiniling din nito sas DepEd na huwag payagan ang mga prejudices o lapse sa educational o examination materials na lumalabag sa pangunahing karapatan at tinatapakan ang hangganan ng pagkadisente.

“It’s not so much to simply punish an individual but also to evaluate how we are giving seminars to our teachers on sensitivity,” paliwanag ni Poe.

“The department has a system of approvals on materials given to students. Officials who sign on them are expected to exercise utmost caution,” aniya.

“If we want a kinder society, any form of discrimination should be shunned in our schools,”

“Attention should be given to the quality of educational materials, not only the quantity,” ayon sa Senador.

Source: Remate

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :