Oh Snap!

We are using ads to support all the content of Guro Ako site. Please disable or remove ad-block. Thank you!

Guro,sinabihang “congrats” ang estudyante dahil sa nabasang mga modules

/
/
/
1147 Views

Viral ngayon sa social media ang post ng isang magulang ukol sa pag-uusap ng kanyang anak at guro matapos nanalasa ang bagyong ulysses.

Ang nasabing post ni Michelle Barbaran, isang magulang, ay naidelete na ngayon ngunit may ilang mga netizens ang nakakuha ng ‘screenshot’ sa mga naturang larawan.

Ayon sa mga ‘screenshot’, nagtanong ang guro kung may naisalba bang mga module.

“Ok lang ako ano inuna nyo bang sinave any module? Para sa bayan para sa kinabukasan?”

Inamin ngayon ng estudyante na wala syang naisalbang module dahil nabasa na ang mga ito. “Sir hindi po, nabasa po ung modules ko,” ayon sa estudyante.

Ngunit nasabi ng guro na, “So gusto mo icongrats kita?” at nag reply ulit ito ng, “Congrats.”

_______source:KAMI

Ang pangyayaring ito ang magsilbing paalaala sa atin (mga guro) upang maging mas maaalahanin sa ating mga mga mag-aaral lalo na sa mga panahon ng kalamidad.

Siguro nga, walang masamant intensyon ang guro sa kanyang mga sagot, ngunit sa mga bumabasa at hindi nakakakilala sa kung paano sila mag-usap, ay talagang mahuhusgahan ang ating kasama.

Magsisilbing aral ito sa atin mga kaguro, mag-ingat sa ating mga bibitawang salita!

Please like us on Facebook:https://www.facebook.com/mgakaguro.page

  • Facebook
  • Twitter
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar
error: Content is protected !!
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :