Pres. Duterte OKs Face-to-Face Learning

Inirerekomenda ni Education Secretary Leonor Briones ang pagsasagawa ng face-to-face learning na itinuturing na “low-risk areas” ngunit sa isang limitadong batayan – isang rekomendasyon na inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ibinigay ni Pangulong Duterte ang kanyang suporta sa ‘limited face-to-face learning’ matapos ang pag-uulat ni Secretary Leonor Magtolis Briones ukol sa maaaring pagsasagawa nito sa low risk areas, bunsod ng mga panukala mula sa ilang LGUS, mambabatas, private, at international schools.
Inirerekomenda ang pagsisimula ng ‘limited face-to-face learning’ sa third quarter ng school year o sa Enero 2021 sa mga piling paaralan lamang. Simula agosto ay magkakaroon ng physical assessment sa mga eskwelahan.
Binigyang-diin ng Kalihim na mahigpit na lilimitahan ang implementasyon nito at dadaan sa masusing inspeksyon ng DepEd, DOH, IATF, at LGU bago payagang magkaroon ng face-to-face classes sa paaralan.
Magsasagawa rin muna ng pilot testing at joint inspection bago ang anumang pagpapatupad ng face-to-face classes sa susunod na taon.
Ilan pa sa mga tinitingnang feature ng ‘limited face-to-face learning’ ay ang pagsasagawa lamang nito nang isa o hanggang dalawang araw sa isang linggo at paglilimita sa mga pinakamahahalagang lesson lamang.
Ang iilan sa mga lugar na nabanggit ni Sec Leonor Briones ay ang Sequijor, Dinagat Islands, Siargao at iba pang lugar na itinuturing na low risk areas.
Source:DepEdPhil