Grade 1 Quarter 2 Week 8 Daily Lesson Log

Grade 1 Quarter 2 Week 8 Daily Lesson Log

Bago natin i-download ang ating DLL, basahin muna natin ang mga naipaglaban ng grupong ACT sa usapin ukol sa mga loans ng mga teachers sa GSIS.

Ang aksyon ng ACT sa usapin hinggil sa isyu ng GSIS

Ilang araw na rin na pabalik-balik ang ating mga ka-Guro sa opisina ng GSIS upang mabayaran ang mga loans na hindi naikaltas sa ating mga sahod. Ang iba nating mga kasama ay madaling araw pa kung pumila upang makakuha lamang ng priority number.

Tayo pa tuloy ang may malaking pasanin ngayon! Napakaraming katanungan na gusto nating itanong sa GSIS, ngunit wala tayong makuhang sagot. Maraming Salamat ACT Philippines na umaksyon ukol sa usapin ng ating mga loans sa GSIS.

Matagumpay ang dialogue sa pagitan ng ACT–Philippines at GSIS hinggil sa isyu sa Due and Demandable loans at GFAL na isinagawa sa GSIS Main Office kahapon September 28, 2018.

Mga naipaglaban:
1. Dahil sa ating pagtutulak at sa dami ng kinakaharap na problema ay napilitang nilang ang due date mula Setyembre 30 patungong Oktubre 30. Bukas din ang GSIS na mapahaba pa ito hanggang Disyembre batay sa pangangailangan.

2. Inirehistro rin natin na hindi dapat ay hindi magtakda ng petsa hanggang hindi nila naiaayos ang kanilang records at sistema.

3. Iginiit ng ACT na maresolba ang problema sa labis na cash out sa restructuring na hindi kayang bayaran ng mga guro. Hiniling ng GSIS na magsumite ang ACT ng position paper kung paano ito gagawin upang maihapag sa magaganap na pagpupulong ng Board of Trustee sa Oktubre 9.

4. Inihapag ang problema ng mga guro na ayaw bigyan ng Manila Teachers ng SOA para mailipat ang kanilang utang sa GFAL. Ipinaliwanag ng GSIS na requirement ng COA ang pagsusumite ng SOA. Hiniling natin na makipag-ugnayan ang GSIS sa Manila Teachers sa usaping ito.

Patuloy tayong kumilos ang ipanawagan ang mga sumusunod:

1. Suspend deadline for the settlement of arrears and application for restructuring of due and demandable loans;

2. Immediately reconcile discrepancies on DepEd and GSIS records on loan payments and balances;

3. Condone compounded interests due to DepEd’s failure to deduct on time or deduct the correct amount of payments to GSIS loans from salaries;

4. Devise more lenient cash out requirements for the restructuring of due and demandable arrears; and

5. Coordinate with PLIs like Manila Teachers Savings and Loan Association Inc. regarding the buying out scheme.

Sana ay marinig at maiparating natin sa kinauukulan ang ating mga panawagan. Sa ngayon mga kaguro, patuloy tayo sa ating mga gawain. Narito ang ating DLL para sa Week 8.

AP Q2 W8 DLL

ESP Q2 W8 DLL

MTB Q2 W8 DLL

FILIPINO Q2 W8 DLL

MATHEMATICS  Q2 W8 DLL

MAPEH Q2 W8 DLL

 

ALL SUBJECTS Q2 W8 DAY 1

ALL SUBJECTS Q2 W8 DAY 2

ALL SUBJECTS Q2 W8 DAY 3

ALL SUBJECTS Q2 W8 DAY 4

ALL SUBJECTS Q2 W8 DAY 5

 

***credits to the rightful owners of these files

*Per Subject DLL was formatted by Guro Ako Team

 

You may also like:

Grade 1 Quarter 2 Week 7 Daily Lesson Log