Teaching Guide_Kindergarten(TG_Kinder)
Teaching Guide_Kindergarten(TG_Kinder)
Hello there mga kaGuro! Talagang hindi na mapipigilan ang araw mga kaGuro, naaamoy ko na ang pasukan! Masarap pa sanang magtampisaw, magliwaliw at mamasyal kung saan-saan. Ang sarap sa pakiramdan na gigising ka lang kung anong oras mo gustong gumising. Yung boses sa umaga na “kain na,bumangon kana jan”. Ang sarap sa tenga.
Ilang linggo nalang, balik na tayo sa realidad mga kaGuro. Magiging abala na naman tayo sa ibat-ibang gawain sa School. Handa na ba ang ating mga classroom? Para sa classroom structuring natin pwedeng- pwede itong inihanda namin sa inyo. I-click lamang ang link sa ilalim ng larawan kung gusto ninyong i-download.
Ang katotohanang hinaharap ng mga kaGuro natin tuwing malapit na ang pasukan ay hindi madali. Lalo na kapag kinakailangan ang pinansyal upang matugunan lamang ang mga ito. Ginagamit ang sariling pera para lamang makapagpaganda ng mga Classroom.
Ang salaping laan sana sa Pamilya ay nagagamit pa upang maisaayos lamang para sa ating mga estudyante. Mabuti nalang may mga bonuses tayo na napakalaking tulong sa ating mga pangangailangan. Saludo kami sa mga Gurong handang gumastos ng malaki para lamang mapaganda ang kanilang mga Class Home.
Bilang paghahanda, sisikapin ng site na ito na matugunan ang pangangailangan ninyo mga kaGuro. Hangad po ng ‘Guro Ako Team’ na mabigyan kayo ng sapat na mga materyales, impormasyon at iba pang mga kakailanganin na madaling maidownload.
Maaari din ninyong bisitahin ang ating facebook page :https://www.facebook.com/mgakaguro/
Heto po ang Teaching Guide ng Kindergarten. Para sa update, maari po lamang na i- bookmark ang website na ito para sa dagdag na mga subjects. I- click lamang ang link sa ibaba upang masimulan ang pagdownload.
Teaching Guide for Kindergarten
***credits to the owner
Please follow us on Facebook: https://www.facebook.com/mgakaguro/
Don’t forget to like and Share!